Kasabay ito ng unang anibersaryo ng Cagayan River Restoration at 26th World Wetlands Day.
Layon ng kanilang pinirmahang kasunduan na tuluyang mawala ang pangamba at pag-aalala ng mga tao sa tuwing nagkakaroon ng baha sa Lambak ng Cagayan na siyang dahilan ng pagkasira ng mga pananim at iba pang pinagkukunan ng hanapbuhay.
Sinisikap naman ng ahensya na makahanap ng alternatibong paraan kung paano maipagpapatuloy ang kanilang adbokasiya sa pagtatanim ng mga Kawayan sa gilid ng Cagayan river.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Department of Environment at Natural Resources (DENR), kasama ang DA Region 2 at iba pang national agencies para sa pagpapatuloy ng “dredging” sa Cagayan River.
Samantala, pinuri naman ni DENR Secretary Gen. Roy Cimatu ang iba’t-ibang kalahok sa maayos na implementasyon ng naturang proyekto at hinimok naman nito ang mga dumalong katuwang na ahensya na ipagpatuloy ang magandang nasimulang proyekto.