DA Region 2, Seryoso sa Kampanyang Matigil ang Bentahan ng Binhi

Kinondena ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang ilegal na hakbang ng umano’y pagbebenta ng hybrid seeds sa publiko na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, seryoso ang tanggapan sa kampanya nito na tumulong na matigil ang paglaganap ng pagbebenta ng hybrid rice seeds na bahagi ng seed distribution program ng DA.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ngayon ang ahensya sa National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Criminal Investigation and Detection Group, local government units at private seed companies para matunton ang mga salarin ng nasabing unscrupulous act.

Binigyang-diin niya na ang mga binhi ay ibinibigay nang libre sa mga kuwalipikadong tatanggap sa ilalim ng seed component na ipinatutupad ng National Rice Program katuwang ang mga LGU at mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.

Hinihimok ni Edillo ang publiko na agad na i-report sa DA, PNP, NBI, CIDG at LGU ang sinumang indibidwal, grupo o agricultural supplier na iligal na nagbebenta ng mga binhi. ni DA RFO 02 ay p Sa Cagayan Valley, ipinaliwanag niya na ang mga binhing ipinamamahagi ay nasa 15 kilo.

Kasama sa mga nakalagay sa sako ang uri ng mga buto, DA logo, variety at “Not For Sale” tag. Batay umano sa mga kumakalat na larawan at videos, ang mga naiulat na binhi ay hindi mula sa Rehiyon 02 kundi sa ibang mga rehiyon na may 5 kilo na packaging.

Una rito, naglabas na ng babala ang DA RFO 02 at sa kanilang social media account para maging aware ang publiko sa pagbili ng mga pekeng produktong pang-agrikultura tulad ng pestisidyo, insecticide at iba pa.

Facebook Comments