Kadiwa Paskuhan, Umarangkada na sa Cagayan Valley

Nagsimula na ang Kadiwa Paskuhan sa compound ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 sa San Gabriel, Tuguegarao City.

Ang Kadiwa Paskuhan ay bahagi ng pre-christmas activities ng DA RFO 02 at bilang suporta na rin sa mga farmer producers sa pagbebenta ng kanilang mga ani at iba pang produkto.

Inaanyayahan ang mga consumers sa malalapit na lugar upang makabili ng mura at preskong mga gulay at processed products.

Ito ay isasagawa kada Biyernes hanggang sa araw ng Pasko sa pangunguna ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Division.

Facebook Comments