*Cauayan City, Isabela*-Muling hinihikayat ng Department of Agriculture Region 2 ang publiko na maging alerto sakaling may makapasok na karne ng baboy mula sa labas ng rehiyon.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Director Narciso Edillo ng DA-RO2, binigyan-diin nito na patuloy na nakabantay ang kanilang hanay katuwang ang mga otoridad sa ilang mga checkpoint sa buong rehiyon upang maiwasan ang pagpasok ng karne ng baboy.
Ayon pa kay Director Edillo, isa sa kadalasang pinagmumulan na tinatamaan ng sakit na ASF ay mga babuyan dahil sa kawalan ng quarantine.
Kaugnay nito, nagpositibo naman sa sakit na ASF ang produktong Mekeni kaya’t mahigpit na pinag-iingat ang publiko o mangyaring makipag ugnayan sa pinakamalapit na tanggpan ng gobyerno sakaling may makitang ibinebentang produkto mula sa nasabing kumpanya.