DA RO2, Nagbigay ng Ayuda sa mga Hog Raisers na Naapektuhan ng ASF

Cauayan City, Isabela- Namahagi ng tulong ang Department of Agriculture Region Field Office 2 (DA RFO 2) sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Naguilian, Isabela.

Pinangunahan ni DA Executive Director Narciso A. Edillo ang pamamahagi ng ayuda kahapon, Disyembre 1, 2021 kung saan umaabot sa 125 na magbababoy ang tumanggap ng financial assistance mula sa nasabing ahensya.

Ayon kay Mayor Juan “Chu” Capuchino, tumama ang sakit ng baboy sa kanyang nasasakupan noong nakaraang Setyembre kung saan marami sa mga kababayan nitong nag-aalaga ng baboy ang nalugi.


Kaugnay nito, unang nakipag-ugnayan ang cashiering unit ng DA RFO2 sa PVET Isabela para sa maayos na distribusyon ng 4.1 milyong pisong pondo para sa 836 pirasong baboy na isinailalim sa culling.

Sinabi naman ni Dr. Manny Galang, Regulatory Division Head and ASF Regional Focal Person na magsisimula ang distribusyon ng mga biik para sa repopulation sa bayan ng Naguilian.

Pinasalamatan naman ni Board Member Egay Capuchino ang DA sa pagtulong sa mga naapektuhang hog raisers habang umaasa naman ang Municipal Agriculturist na si Engr. Josephine Lobo na magiging matagumpay ang gagawing repopulation ng mga alagang baboy sa Naguilian.

Facebook Comments