Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang pag-angat sa 1.6% ngayong 2nd quarter ng taon sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Isabela.
Ito ay makaraang bumisita ang kalihim sa Philippine Rice Research Institute (PHILRICE) sa bayan ng San Mateo para bisitahin ang Hybrid Rice Varietal and Fertilizer Trial at pangunahan ang distribusyon ng agricultural programs sa mga magsasaka.
Ayon sa kalihim, aabot sa kabuuang 751,000 na magsasaka sa buong bansa ang makikinabang sa P4 bilyong pondo na inilaan ng administrasyon sa ilalim ng Bayanihan Act 2.
Aniya, tatanggap ng P5,000 at mga produktong agrikultura ang mga kwalipikadong benepisyaryo kung saan ang dalawang libo (P2,000) ay hahatiin sa halaga ng bigas at mga poultry products.
Umabot naman sa P4.5 milyon ang naipamahaging tulong ng ahensya sa buong rehiyon dos.
Kinabibilangan ito ng mga walong (8) units Hand tractors para sa four (4) FCAs-Cooperators of Rice Business Innovations (RiceBIS Program); tatlong (3) units Hand tractors at assorted vegetable seeds para sa Rebel Returnees sa suporta sa ELCAC sa pakikipagtulungan ng 95th Infantry Division; plastic mulch, insect net, UV PE film at mga seedling trays para sa limang (5) Farmers Organization in bilang suporta naman sa Organic Vegetable Production.
Nagkaloob din ang kalihim sa Agricultural Training Institute Regional Training Center 02 (ATI RTC02) ng P400,000 Information Communication and Technology (ICT) gadgets gaya ng laptop, printer, tablet, GPS at mga print materials na siyang popondohan ang ‘farm business learning sites’ ng P250,000 upang mapabuti ang kanilang sakahan.
Hiniling naman ng DA region 2 ang dagdag na pondo para sa corn farmers na apektado ng tagtuyot.