
Target ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. na maibaba sa isang daang piso ang kada kilo ng bawang sa bansa.
Sinabi ni Laurel na sa ngayon , ang bentahan ng bawang ay nasa pagitan ng P130 hanggang P140 kada kilo.
Pero may ilang lugar kung saan pumapalo sa P180 kada kilo ang presyo ng bawang.
Ayon kay Laurel, nakikita nilang may “profiteering” sa industriya ng bawang, at maaaring may kartel din.
Sinabi ni Laurel na bilang solusyon, kumukuha sila ng mas maraming tao para mag-import ng bawang, dahil na-limit sa iilang players ang pagkuha ng bawang.
Naniniwala si Laurel na kapag mas maraming players, babagsak ang presyo ng bawang.
Dagdag ni Laurel, kumikilos na rin ang Food Terminal Inc. o FTI upang solusyunan ang sitwasyon.









