DA, tiniyak ang malaya at patas na rice trade sa ilalim ng Rice Tariffication Law

Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na magiging bukas at patas sa lahat ng mga stakeholders ang rice trade sa ilalim ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay Secretary Dar, bagamat hinahangad nila na mapababa ang presyo ng pangunahing butil sa ilalim ng RTL, hindi dapat ipagsawalang-bahala na may fair trade na nag ooperate sa merkado.

Ginawa ni Dar ang pahayag kasunod ng inilabas na datos ng US Foreign Agricultural Service sobra sobra rice imports ng Pilipinas ngayong 2019.


Ayon kay Dar, batay sa  datos ng Bureau of Customs, ang rice import volume bago pa man ipinatupad ang Rice Tarrification Law ay abot lamang sa 1.87 million metric tons mula March hanggang October 2019.

Facebook Comments