Jeep nayupi, apat na katao naipit sa Dagupan City

619

Naipit sa sinasakyang pampasaherong jeep ang apat na katao sa Dagupan City makaraang salpukin ng isang pampasaherong bus na himalang nakaligtas.

Sugat lamang ang natamo ng mga ito na kinilalang sina Jocelyn Fabia 39 anyos lady guard at residente ng Brgy. Sapinit, San Carlos City, Cardina Vallo 46 anyos isang waitress , Boyet Pena 50 anyos na kapwa residente ng Calasiao, Pangasinan at isang 17 anyos contruction worker at residente ng Mayombo District Dagupan City, Pangasinan na si Ivan Salasola.


Sa imbestigasyon ng Dagupan PNP, pahinto umano ang jeep na minamaneho ni Joel Jovellanos na magsasakay ng pasahero sa kahabaan ng McArthur Highway, Caranglaan District Dagupan City, ng bigla na lang itong salpukin ng kasunod nitong pampasaherong bus na minamaneho naman ni Loreto Lorenzo tubong Rosales, Pangasinan.
Nagresulta ito sa pagkayupi ng bubungang bahagi ng jeep na dahilan para maipit ang mga sakay nito.

Samantala, isinugod kaagad ang mga sugatang pasahero sa ospital na sinagot ng kompanya ng nakabanggang bus ang lahat ng gastusin ng mga ito. Sa ngayon, nagkaaregluhan na ang mga biktima maging ang dalawang driver.

Credit: CDRRMC Dagupan

Facebook Comments

From Advertisers