DA, tiniyak na walang sardine shortage ang bansa para sa taong ito

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang kakulangan sa suplay ng sardinas dahil sapat ang suplay ng isdang tamban sa bansa para sa taong ito.

Sa katunayan, naglabas ang DA ng mga larawang nagpapakitang sagana ang mga bagong huling isdang tamban sa Navotas Fish Port.

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nananatiling mataas sa 222.58% ang sufficiency level ng tamban sa unang quarter ng 2022 at 409.06% para sa ikalawang quarter.


Katunayan, inaasahan nitong aabot sa 293,431 metriko tonelada ang annual production ng naturang isda ngayong 2022 na sobra-sobra pa sa national demand na 101,367 MT.

Facebook Comments