
Posibleng matanggap na ng Department of Agriculture (DA) ang pahintulot ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Abril para sa roll out ng African Swine Fever (ASF) vaccines mula Vietnam.
Ayon kay DA Spokesperson at Asec. Arnel De Mesa, batay sa natanggap nilang report sa inisyal na resulta n ginawang pagbakuna sa may 28 thousand na alagang baboy sa 29 hog farms sa Luzon, lumilitaw na epektibo ang naturang ASF vaccines.
Nitong March 14, bumaba na sa 39 barangays mula sa 27 na bayan at lungsod ang may naitatalang active ASF cases.
Ito’y mula sa 66 barangays na naitala sa huling bahagi ng February.
Pinakamarami pa ring naitalang kaso ay sa Region 7, partkular sa Bohol.
Ayon pa kay De Mesa, resulta ito ng pinaigting na border measures at sa agresibong government-controlled vaccination at ang nalalapit na pagpasok ng panahon ng tag-init.









