Cauayan City, Isabela- Matapos makumpleto ang pamamahagi sa Quirino, Nueva Vizcaya at Isabela, sunod namang namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) ng 119 na alagang baka sa mga magsasaka na matinding naapektuhan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan.
Simula sa ikatlong distrito, ang DA-RFO 2 Livestock Program na pinamumunuan ni G. Demetrio Gumiran ay namahagi ng 33 na-upgrade na Brahma baka sa bayan ng Enrile noong Hunyo 28, 2021.
Pinasalamatan ni Decena ang DA RFO 2 at hinimok ang mga magsasaka na alagaan ng mabuti ang mga hayop na ipinagkatiwala sa kanila.
Sinabi rin niya na ang Brahma baka ay may high tolerance to heat, humidity and sunlight, typical of the taurine hybrid.
Magugunitang sinalanta ng Bagyong Ulysses ang malaking bahagi ng Luzon at naranasan ang malawakang pagbaha sa ilang lugar sa Cagayan Valley na isa sa mga matinding naapektuhan.
Ang industriya ng mga hayop ay nalubog at ang mga magsasaka ay nagsisikap pa ring makakuha ng ginhawa mula sa pagkalugi sanhi ng bagyo.
Samantala, mamahagi rin ng nasa kabuuang 216 na baka sa tatlo pang distrito ng Cagayan.