Daan-daang brgy captains sa Maynila, pinulong ng DOH, PRC

Manila, Philippines – Pinulong ng Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC) ang daan-daang kapitan sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, layon nitong mas mapalakas ang kampaniya kontra tigdas lalo at ang lungsod ang maituturing ground zero ng tigdas outbreak.

Aniya, nais rin nilang mas paintindi sa mga magulang ang kahalagahan ng pagpapabakuna at mabilisang aksiyon oras na makitaan ng sintomas ng tigdas ang mga anak.


Kinumpirma naman ni Dr. Ferdinand De Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, na tatlong bata pa ang nadagdag sa mga nasawi dahil sa tigas.

Habang nananatili naman aniya sa ospital ang nasa 313 mga pasyente.

Facebook Comments