344 Filipinos na nakabase sa Jeddah, Saudi Arabia ang napauwi na rin ng pamahalaan matapos silang ma-stranded doon dahil sa COVID-19 pandemic.
Karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho matapos na humina ang ekonomiya ng Saudi Arabia.
76 din sa mga umuwing Pinoy ay dating Filipino household service workers na kinalinga ng Philippine Consulate sa Jeddah.
Tiniyak naman ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na sasagipin ng gobyerno ang lahat ng stranded Pinoy sa ibayong-dagat.
Inihahanda na rin ng Department of Foreign Affairs ang isa pang-chartered flight para sumundo sa iba pang naiwang stranded OFWs sa Saudi Arabia.
Facebook Comments