Technical dry run para sa online oath taking ng 2019 Bar passers, isinagawa ng Korte Suprema

Kinumpirma ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na nagsagawa na sila ng technical dry run kahapon para sa online oath taking ng 2019 Bar passers.

Ang seremonya para sa 2,103 Bar passers ay gagawin sa Miyerkoles, June 25, 2020, alas-dos ng hapon sa pamamagitan ng video conference dahil sa COVID-19 pandemic.

Mapapanood ang seremonya sa PTV-4, na TV station ng gobyerno.


Batay sa programa, ang oath taking ay pangungunahan mismo ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Ang “Invocation” ay nakatoka kay Associate Justice Jose Reyes Jr.

Facebook Comments