DAANG -DAANG JOB SEEKERS, LUMAHOK SA ISINAGAWANG JOB FAIR SA ILOCOS NORTE-

Daang-daang job seekers ang nakiisa sa Kasalukuyang isinagawang Job Fair sa Ilocos Norte sa pangunguna ng isang kilalang mall katuwang ang Public Employment Service Office.

Nagsimula kahapon at magtutuloy ngayong araw ang naturang job fair kung saan dinagsa naman ng mga aplikanteng nagbabakasaling agad na makapasok sa isa mga inaalok na trabaho ng naturang kompanya.

Layon ng isinasagawang job fair na makapagbigay ng trabaho at bukas na oportunidad para sa mga nagbabakasakaling aplikante.

Isinasagawa ang naturang job fair sa Provincial Capitol Auditorium, mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon at magtatagal ngayong araw, March 4, 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments