LIMANG ASO SA AGOO, LA UNION, SINADYA UMANONG LASONIN-

Hindi pa rin matanggap ng isang pet owner ang sunod-sunod na pagkakasawi ng kanyang limang alagang aso matapos umanong lasonin ng kanyang kapitbahay sa Brgy. San Nicolas West, Agoo, La Union.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan sa may-ari, hindi maiwasang isipin na sinadya ang paglalason sa mga alagang aso dahil inilagay umano ang pain na lason sa tulugan ng kaniyang mga alaga.

Apat na aspin at isang minicher dog ang naka kain ng pain na lason.

Nitong March 1 nang mangyari ang insidente, umamin din umano ang naglagay ng lason at nakikipag-areglo na babayaran ang danyos sa mga alagang hayop.

Mabigat ang loob at hindi pa rin umano natatanggap ng pamilya ang nangyari dahil itinuturing nang anak at katuwang sa araw-araw na buhay ng pamilya ang mga alaga.

Iginiit naman ng pet owner na hindi nakakaperwisyo ang mga alagang aso dahil malaya pa silang nalalaro ng ibang residente kahit open area ang kanilang compound.

Ilang araw makalipas maipost ang insidente online, ilang animal welfare groups na umano ang nakipag-ugnayan sa pet owner upang matulungan sa mga legal na proseso na maaring gawin para sa mga alagang hayop.

Nakatakda umanong mag-usap sa barangay council ang dalawang panig upang magkalinawan sa isyu ngunit saad ng pet owner na sarado pa ang kanyang isipan dahil sa sakit buhat ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments