Nasawi ang isang 28 anyos na construction worker matapos makuryente dahil sa Isang submersible pump sa. Brgy. San Nicolas, Vllasis, Pangasinan.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naghuhukay ang mga ito para sa umano’y isang septic tank nang subukan niyang i-switch ang isang submersible pump upang alisin ang naipong tubig.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakuryente ang biktima at agad na nawalan ng malay.
Agad nilabas sa hinukay na butas ang biktima at dinala sa pagamutan ngunit idineklara rin agad na dead on arrival. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments