DADAGDAGAN? | Point-to-point bus, planong dagdagan bilang alternatibo sa MRT-3

Manila, Philippines – Plano ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang mga point-to-point bus na nagsisilbing alternatibo para sa mga pasahero ng MRT-3.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Timothy John Batan, nasa 17 pribadong bus at dalawang libreng-sakay bus ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pumasada kahapon.

Maliban aniya sa mga bus, dagdagan na rin nila ang ruta ng P2P na mula North Avenue papuntang Ortigas at mula Ortigas patungong Ayala.


Ang P2P ay dumadaan sa yellow lane sa EDSA at may escort mula sa Highway Patrol Group o Land Transportation Office.

Facebook Comments