30 anyos na lalaki biktima ng pamamaril

Patay ang isang 30 anyos na lalaki matapos itong mabiktima ng pamamaril kahapon 5:45 ng hapon sa mahogany street San Pablo village barangay RH-11 Cotabato City. Kinilala ang biktima nasi J-R Palaguyan Gogo na native ng sheriff aguak maguindanao subalit temporary naninirahan sa #416 mahogany street ng nasabing barangay, na nagtamo ng isang tama ng bala sa katawan na nagging sanhi ng kanyang agarang kamatayan. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2 ni PCI Efren Salazar, sakay umano ang biktima ng kanyang Toyota vios na kulay tangerine kasama ang kanyang kamag anak nasi Weng, nang nasa tapat na sila ng kanilang bahay at aktong bubuksan na sana ni Weng ang gate, ay meron biglang sumulpot na suspect at doon ay binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang bahagi ng katawan. Naisugod pa siya sa pagamutan ngunit siyay ideneklarang dead on arrival ng mga doctor, nagpapatuloy pa ang inbestigasyon ng kapulisan sa nasabing kaso inaalam kung anu ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin.

Facebook Comments