Dagdag Ayuda sa mga may Edad 95 Pataas, Ganap nang Ordinansa!

Cauayan City, Isabela- Pasado na sa Sangguniang Panlungsod ng Cauayan ang ordinansang inihain ni City Councilor Rufino Arcega sa konseho na pagbibigay ng dagdag ayuda sa mga senior citizens na may edad 95 pataas at mapapabilang sa pagiging centenarian.

Sa isinagawang regular session kahapon, inaprubahan na ng konseho ang nasabing panukala matapos ang mabusising diskusyon.

Mananatili naman ang ilang pangunahing requirements nito na dapat ay hindi bababa sa isang (1) taon ang pananatili o residency ng isang centenarian sa Lungsod.


Kaugnay nito, makakatanggap ng sampung libong piso (P10,000) kada taon ang isang senior citizen na may edad 95 pataas at kung naabot ang edad na 100 ay dalawampung piso (P20,000) maliban pa sa matatanggap nito mula sa gobyerno na P100,000.00.

Dahil dito, naglaan na ng pondo ang Sangguniang Panlungsod na kalahating milyong piso para dito.

Hinihintay na lamang ang pirma ni City Mayor Bernard Dy para agad na rin itong maipatupad.

Facebook Comments