DAGDAG KAALAMAN | Wikang Koreano, sisimulan nang ituro sa 2019

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng wikang Koreano sa mga paaaralan sa susunod na taon.

Partikular na tuturuan ang mga high school student ng pagbabasa at pagsusulat ng Korean na nasa ilaim ng special program in foreign language.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga bata hinggil sa Korean language dahil isa ang Pilipinas sa bansang may magandang kaugnayan sa Korea.


Tiniyak naman ng DepEd na hindi mapapabayaan ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan dahil gaanon pa din ang dami ng oras sa pagtuturo nito.

Ang hakbang ng DepEd ay kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na alisin ang temporary restraining order sa Commission on Higher Education memorandum na nagtatanggal sa Filipino at Panitikan bilang core college courses.

Facebook Comments