NAGPAHIWATIG | PRRD, may sisibakin muling opisyal

Tila nagpahiwatig ngayon ang Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon siyang sisibaking isang opisyal na kaniyang naitalaga pagkabalik niya ng Pilipinas matapos dumalo sa leaders meetings ng 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa harap ng Filipino community, inamin nito na ang nasabing opisyal ay nasasangkot sa ilang katiwalian.

Inihayag din ng Pangulo na maka-ilang beses na din daw itong magpunta ng ibang bansa gamit ang pondo ng gobyerno.


Ayon pa sa Pangulo, una niyang inakala na may maitutulong ito sa taong bayan pero taliwas ito sa kaniyang mga ginagawa kaya at napag-desisyunan niya na tanggalin ito sa pwesto kahit pa isa siya sa mga sumuporta noong siya ay kumandidato bilang mayor ng Davao.

Facebook Comments