Dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng SSS, ipatutupad na bukas

Manila, Philippines – Epektibo na bukas (March 5) ang dagdag kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Alinsunod ito sa Republic Act number 1199 na nagtatakda sa dagdag kontribusyon na layong magpalakas sa pondo ng ahensya.

Ayon kay SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Luisa Sebastian – mula sa 11 porsyento ay magiging 12 porsyento na ang buwanang kontribusyon ng bawat miyembro.


Babayaran ng SSS member ang 4 percent ng kontribusyon habang 8 percent naman ang sasagutin ng employeer.

Giit ng SSS, mas malaking benepisyo ang magiging pakinabang dito ng mga miyembro ng SSS.

Facebook Comments