Dagdag na bike lanes, inihirit ni Senator Go

Umapela si Senator Christopher Bong Go sa mga local authorities na magdagdag ng mga designated bicycle lanes para mas marami ang maengganyo na gumamit ng bisekleta sa gitna ng limitadong transportasyon dahil sa mga umiiral na quarantine measures dulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na kahit unti-unti ng niluluwagan ang mga health protocols, ay nananatiling pahirapan ang public transportation para sa maraming Pinoy dahil sa social distancing measures.

Layunin din ng apela ni Go sa Local Government Units (LGUs) na matiyak ang kaligtasan ng mga tao lalo na ang mga gumagamit sa mga busy street sa mga malalaking lungsod gaya sa Metro Manila.


Pinaalalahanan din ni Go ang publiko na siguraduhin na physically fit ang mga ito kung pipiliing gumamit ng bisikleta para makaiwas sa disgrasya.

Inihalimbawa ni Go ang Davao City, na nagsimula ng magpatupad ng mga bicycle lanes sa mga major streets bilang bahagi ng promotion sa safe alternative modes of transportation habang sinisiguro ang kanilang kaligtasan.

Samantala, muling nagpaalala si Go na sa gitna ng paglaban sa pandemic ay palaging unahin ang buhay, kaligtasan at kapakanan ng bawat Pilipino pagdating sa mga polisiya at patakaran na ipatutupad.

Una nang umapela si Go sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat masiguro ang safety ng mga magbibisekleta sa mga itinalagang bicycle lanes.

Facebook Comments