
Pag-aaralan ng House of Representatives of the Philippines ang paglalaan ng mas malaking alokasyon sa susunod na pambansang budget o ang pagsusulong ng supplemental budget upang mapalakas ang suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sinabi ito ni Bryan Revilla, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs at kinatawan ng Agimat Party list, sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.
Ayon kay Revilla, kailangan talagang dagdagan ang pondo ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang makatugon sa mga problemang dulot ng ganitong mga pangyayari.
Diin pa ni Revilla, karapat-dapat bigyan ng proteksyon ng pamahalaan ang mga OFW.
Kinilala rin niya ang malaking ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, kung saan umaabot sa $32.8 billion ang kanilang remittances kada taon.










