Dagdag na proteksyon at benepisyo sa mga miyembro ng media, ipinanawagan

Manila, Philippines – Nanawagan ang National Union Journalist of the Philippines sa mga media companies na itaguyod ang karapatan at kaligtasan ng kanilang mga manggagawa dahil na rin sa hinahawakan nitong papel sa ating lipunan.

Ayon sa NUJP, nakakabahala umano ito dahil sa pag-aaral ng Committee to Protect Journalist, nangunguna ang politika, korapsyon at krimen sa mga news beats na hawak ng mga mamamahayag na nabiktima ng pagpatay mula pa noong 1992 hanggang 2016.

Isinusulong din ng NUJP na dapat ng matuldukan ang kontraktwalisasyon sa media.


Naniniwala din ang organisasyon sa karapatan ng mga media workers na makatanggap ng sahod na kayang bumuhay ng kanilang pamilya at benipisyo na sisigurong hindi sila mababaon sa utang kapag mayroon silang mahal sa buhay na naospital.

Samantala, nangako naman si Undersecretary Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security na 24 – oras ay nakabantay sila para masiguro ang kaligtasan ng ating mga journalist at iba pang media workers sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments