Dagdag na requirement sa mga foreign worker, ipinatupad

Ipinatupad na ng gobyerno ang dagdag na requirement para sa lahat ng dayuhang nais magtrabaho sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – lahat ng foreign nationals ay kailangang mag-secure ng “no objection” certificate mula sa DOLE bilang requirement sa pag-iisyu ng working permit at visa.

Tiniyak ng kalihim na makakapaglabas sila ng certificate sa loob ng tatlong araw kapag naipasa ng foreign national ang lahat ng kinakailangang dokumento.


Ang bagong requirement para sa foreign workers ay nakasaad sa joint memorandum circular na ilalabas ng gobyerno.

Ang circular ay aprubado ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno at hinihintay na lamang na malagdaan ng Pangulo.

Facebook Comments