DAGDAG NA SUPPLY | Mga imported na bigas mula Thailand at Vietnam, darating na

Manila, Philippines – Darating na susunod na linggo ang imported na bigas mula sa Thailand at Vietnam.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesperson Rex Estoperez, nasa 250,000 metric tons ng bigas ang matatanggap ng Pilipinas sa ilalim ng government to government scheme.

Inaasahan din aniyang bababa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil sa darating na dagdag na supply.


Ang NFA rice ay nagsisilbing stabilizer sa presyuhan sa merkado na layong iwasang tumaas ang halaga ng commercial rice.

Ibebenta ng NFA ang imported rice sa 27 pesos o 32 pesos kada kilo.

Facebook Comments