Manila, Philippines – Balak ng National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng dagdag na 500,000 metric tons para matiyak ang katatagan ng supply ng bigas sa bansa.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, ito ang kanilang irerekomenda sa NFA Council na magpupulong sa July 17.
Sakaling aprubahan, papalo na sa 1 million MT ang importasyon ng bigas ng NFA para sa taong 2018.
Una nang nakakuha ng basbas ang ahensya para sa pag-angkat ng 250,000 MT na may dalawang bagsakan.
Ang unang ibinagsak na imported na bigas ay dinala na sa iba’t-ibang merkado sa buong bansa.
Ang pangalawang dating ng imported na bigas ay inaasahan sa buwan ng Agosto.
Facebook Comments