DAGDAG PA SANANG PONDO PARA SA MGA MAGSASAKANG LOKAL SA PANGASINAN, ISINUSULONG

Sa ginanap na distribusyon sa mga pangasinenseng magsasaka ng Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) at Intervention Monitoring Card (IMC) mula sa Department of Agriculture ay isinabay rin ang hinaing na dagdag pa sanang pondong inilalaan para sa kanila.
Ang ipinaglalaban na dagdag pondo para sa mga magsasakang-lokal ay para mas makatulong sa kanilang mga kabuhayan.
Isa sa sumusuporta sa dagdag pondong ito para sa mga magsasakang lokal ay ang Congressman ng ikalawang distrito ng Pangasinan, Mark Cojuangco.

Sa kanyang official facebook post, isinaad niya roon ang kaniyang suporta at sinabing sa panahon na kung saan nagtaas ang presyo ng mga kinakailangan ng magsasaka para makapag-produce, mas kailangan nila ngayon ng tulong at suporta.
Tinitignan naman ang lahat ng paraan na makakaya para mas lumaki pa ang ayuda ng mga magsasakang-lokal at maging sa ibang sektor. |ifmnews
Facebook Comments