HUMIGIT KUMULANG 6K NA MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG MANGATAREM, NAKATANGGAP NG RFFA

Nasa 5, 597 ang eksaktong bilang ng mga magsasakang nakatanggap ng limang libo kada isa ng tulong pinansyal sa ilalim ng Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) at Intervention Monitoring Card (IMC) mula sa Department of Agriculture.
Suportado ito ng tanggapan ng ikalawang distrito na pinamumunuan ni Cong. Cojuangco na naglalayong matugunan ang mga kinakailangan ng mga magsasaka sa bayan ng Mangatarem sa kanilang produksyon ng bigas.
Isinusulong din ng kongresista ang ilan pang programa upang mas lumaki ang pondong maibibigay para sa mga magsasaka sa bayan.

Nagtaas naman ang presyo ng mga kagamitan sa pagsasaka kung kaya’t malaking tulong ang natanggap na tulong pinansyal para sa kanilang kabuhayan. |ifmnews
Facebook Comments