Inaasahang magkakaroon muli ng dagdag na presyo sa langis sa susunod na linggo.
Ito na ang ika-4 na sunod na linggong magkakaroon ng taas-presyo.
Maglalaro sa P0.70 hanggang P0.80 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
May dagdag namang P0.60 hanggang P0.70 ang inaasahan sa diesel at kerosene.
Ang pagtaas ng presyo ay bunsod ng paghina ng piso kontra dolyar habang patuloy na lumakas ang demand sa langis sa buong mundo.
Dahil dito, inaasahang pataas pa rin ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas.
Kung susumahin, aabot na sa P1.50 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina, P1.35 sa diesel, at P1.15 sa kerosene sa nakalipas na 3 linggo.
Facebook Comments