Manila, Philippines – Maglalagay ang Bureau of Immigration (BI) ng dagdag na mga tauhan sa immigration counters sa NAIA Terminals.
Sa harap ito ng nararanasang mahabang pila sa departure area immigration counters sa NAIA ngayong Christmas season.
Sa ngayon kasi, bawat counter ay dalawang Immigration officers lamang ang naka-duty, sa halip na apat.
Nakadagdag din sa paghaba ng pila ang pagpapatupad ng finger scanning sa mga pasahero.
Samantala, muling nanawagan sa mga pasahero si Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na agahan ang pagtungo sa paliparan.
Layon nito na hindi maiwan ng kanilang flights ngayong dumadagsa ang malaking volume ng mga pasahero.
Facebook Comments