Dagdag-sahod para sa private school teachers, pinag-aaralan

Sinisilip na ng binuong Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Education ang dagdag na sahod sa mga guro sa private schools.

Ayon sa Nueva Ecija Representative Rosanna Vergara – kapansin-pansin ang paglipat ng mga guro sa pribadong paaralan sa public schools dahil napakababa ng natatanggap na sahod ng mga ito.

Aminado ang Department of Education (DepEd) umabot sa 2,300 na private schools ang nagsara dahil aabot lamang sa 6,000 pesos kada buwan ang sweldo ng mga guro sa pribadong paaralan.


Aabot sa 36 na panukalang batas ang inihain para sa salary adjustment at dagdag na allowance sa mga guro.

Facebook Comments