DAGDAG SAHOD | Umento sa sahod sa Metro Manila, nasa ₱20

Manila, Philippines – Ilalabas na sa Oktubre ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) kung magkano ang dagdag sahod para sa minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi bababa sa P20 ang magiging dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa NCR.

Giit naman ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP, lalo lang magagalit ang mga manggagawa sa wage board kung P20 lang din ang itataas nito sa minimum wage, lalo at P320 ang umentong kanilang hiningi sa kanilang petisyon.


Pero paliwanag ni Jose Roland Moya, Deputy Director-General ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), makasasama rin sa mga manggagawa at mga konsumer kung pipilitin ang mga negosyante na magbigay ng “excessive” o masyadong malaking umento.

Kapag nagkabisa ang bagong wage order, magiging limangdaan at tatlumpu’t dalawang piso (P532) na ang minimum wage mula sa kasalukuyang limang daan at labing dalawang piso (P512).

Facebook Comments