Manila, Philippines – Sasalubungin ng mga motorista ang unang linggo ng Abril ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ito na ang ikatlong linggo ng magkakasunod na pagtaas sa presyo ng langis.
Nasa 90-centavos hanggang piso ang imamahal ng kada litro ng diesel at kerosene habang 80-centavos naman sa gasolina.
Epektibo naman kaninang alas-12:00 ng madaling araw ang pagmahal ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ng Petron.
P0.25 ang itinaas sa regular na tangke habang nasa P0.15 kapag auto-LPG.
Facebook Comments