PABALIK NA | Libu-libong pasahero sakay ng mga ro-ro, dagsa na rin

19

Manila, Philippines – Mahigpit nang nakabantay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Roll-on and Roll-off (RORO) routes hatid ang libu-libong pasaherong pabalik ng Metro Manila.

Ayon kay PCG Spokesman, Captain Armand Balilo, nagsimula na kahapon ang pagbiyahe ng mga short ro-ro routes pabalik ng Metro Manila hanggang bukas ng umaga.

Kabilang sa mga ro-ro routes ay mula Allen, Samar patungong Sorsogon at mula Calapan, Oriental Mindoro patungong Batangas.

Hindi pa naman aniya, fully booked ang mga long route o mga barkong magmumula sa Visayas at Mindanao.

Mananatili ang alert status ng PCG hanggang bukas (April 2).

Facebook Comments