KAMPEONATO | Pep Squad ng Adamson University, wagi ng gold medal sa Cheerleading Competition sa Singapore

76

Singapore – Wagi ng gintong medalya ang pep squad ng Adamson University sa Asia Cheerleading Invitational Championships (ACIC) 2018 sa Singapore noong Sabado.

Sa facebook page, ibinalita ng unibersidad na panalo sa pom division ang kanilang cheering squad.

Ang ACIC ay kompetisyong bukas para sa lahat ng mga international team sa buong mundo.

Nito lang ding nakaraang taon nang masungkit ng Adu Pep Squad sa kauna-unang pagkakataon ang kampeonato sa UAAP cheer dance competition.

Facebook Comments