DAGDAG SINGIL | Mataas na singil sa kuryente sa susunod na buwan, asahan na

Manila, Philippines – Pinaghahanda na ang mga konsumer sa buong bansa sa nakaambang dagdag-singil sa kuryente sa mga Pebrero dahil sa Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) law at sa Value Added Tax (VAT) sa transmission charge.

Nasa P0.06 hanggang P0.07 kada kilowatt-hour ang katumbas na dagdag dahil sa VAT at P0.01 hanggang P0.02 naman sa excise tax sa coal.

Nasa 23 electric companies kasi sa buong bansa ang 100 percent na galing sa coal ang supply ng kuryente na siya namang papatawan ng mas mataas na excise tax.


Ayon naman kay Wendell Ballesteros, Executive Director ng Philippine Rural Electric Corporative Association, didiskartehan nila kung paano ipapaliwanag sa mga konsumer ang nakaambang dagdag-singil sa buong bansa.

Samantala, umapela si Energy Secretary Alfonso Cusi sa Malacañang na magtalaga na ng acting commissioners sa Energy Regulatory Commission (ERC) kasunod ng pagkasuspinde ng apat na commissioners.

Tiniyak din ni Cusi na hindi mauuwi sa malawakang brownout ang sitwasyon, salungat sa babala ni ERC Chair Agnes Devanadera.

Facebook Comments