MANILA – Posibleng ipa-refund ng Energy Regulatory Commission o ERC ang dagdag singil na ipinatupad ng Meralco ngayong buwan ng pebrero.Paliwanag ni Atty. Florisinda Baldo-Digal, tagapagsalita ng ERC – na natataasan sila sa dagdag singil na p0.42 kada kilowatt hour ng Meralco.Pero giit ng Meralco, tumaas kasi ang presyo ng kuryente galing sa mga ka-kontrata nilang planta.Ayon kay Baldo-Digal – kinakailangan nila ang isang buwan para mabusisi ang depensa ng Meralco.Maibibigay lang kasi aniya ang refund kapag napatunayang may mali sa diskarte ng Meralco kaya malaki ang dagdag singil ngayong buwan.Nanindigan din ang Meralco na walang labis sa kanilang dagdag singil at tama din ang kanilang diskarte sa pagbili ng kuryente para sa mga consumer upang hindi mauwi sa refund ang usapin.Sinagot naman ni Larry Fernandez- Head of Utility ng Meralco ang isyung kung naiiwasan ba ang dagdag singil kung mas dinamihan ng Meralco ang kinuhang kuryente sa stock market dahil sa presyo nito noong isang buwan.Bukod rito – tiniyak rin ng ERC na kanila aaksyunan sa mga susunod na linggo ang hirit ng Meralco na palawigin pa hanggang 2018 ang refund naman na iniutos ng Korte Suprema noon pang 2003.Nabatid mahigit 4 billion pesos pa ang hindi nasosoli sa mga costumers.Dagdag pa ng ERC, maaaring gamitin sa ibang bagay ang pondo kung hindi na mahanap ang dapat mabigyan ng refund. (DZXL 774 // Jennifer D. Corpuz – Writer)
Dagdag Singil Na Ipinatupad Ng Meralco Ngayong Buwan Ng Pebrero – Posibleng Ipa-Refund Ng Energy Regulatory Commission
Facebook Comments