DAGDAG SINGIL | Presyo ng petrolyo, nakaambang tumaas ngayong linggo

Manila, Philippines – Muling sisipa pataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo.

Maglalaro sa P1.00 hanggang P1.50 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa gasolina.
Magmamahal naman ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro ng diesel.

Magtataas ang kerosene ng P0.70 hanggang P0.80 ang kada litro.


Ang oil price hike ay bunsod ng pagmahal ng ethanol, sangkap ng gasolina sa Pilipinas.

Facebook Comments