DAGDAG SINGIL | Presyo ng tinapay, nakaambang tumaas

Manila, Philippines – Nagbabadyang tumaas ang presyo ng tinapay sa mga bakery at supermarket dahil sa pagtaas ng presyo ng mga sangkap at gamit sa produksiyon nito.

Ayon kay Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) President Paolo Valderrama, nasa P1 ang hirit na dagdag-presyo sa kada pakete ng Pinoy tasty habang P0.50 sa kada pakete ng pandesal.

Aniya, sapul kasi sa paghina ng piso kontra dolyar ang mga panadero dahil inaangkat ang trigong ginagawang harina.


Sabi pa ni Valderrama, apektado rin ang mga panadero ng tumataas na presyo ng diesel, liquefied petroleum gas (LPG), asukal at pampaalsa na mga sangkap din sa tinapay.

Pero babala ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, hindi basta-basta puwedeng itaas ang presyo ng tasty at pandesal.

Facebook Comments