Dagdag singil sa pasahe sa jeep, ihihirit sa LTFRB dahil sa magkakasunod na pagtaas ng produktong petrolyo

Manila, Philippines – Hihirit ng dagdag singil sa pasahe ang mga grupo ng pampaseherong jeep sa bansa.

Ito ay dahil sa magkakasunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa nakalipas na linggo.

Hihilingin nila sa LTFRB ang P10 na minimum na pamasahe mula sa dating P8.00.


Kung sakaling maaprubahan, hihirit din sila ng dagdag na P2.00 kapag lumagpas sa apat na kilometro ang biyahe.

Facebook Comments