Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil sa tubig kaugnay sa paghina ng palitan ng piso kontra sa US-dollar at iba pang currency.
Ang hirit na dagdag sa 3rd quarter ng 2017 ng manila water ay 29 centavos kada cubic meter habang 7 centavos sa maynilad.
Paliwanag ng MWSS kailangan pa nilang pag-aralan ang foreign currency differential adjustment dahil may implikasyon ito sa bayarin ng mga consumers pero pwede pading maihabol ang dagdag singil sa mga susunod na buwan.
Samantala dapat pa ring maghanda ng mga consumer dahil malaki-laki ang hinihirit na dagdag sa basic charge ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.
Ang hirit ng maynilad P9.69 centavos kada cubic meter na dagdag sa basic charge na P34.00.
Ang Manila Water naman p8.30 centavos kada cubic meter ang gustong idagdag sa basic charge na mahigit P24.00.