Mahigit isang milyon pisong halaga ng cocaine at shabu, nasabat ng mga otoridad

121

Manila, Philippines – Mahigit isang milyon pisong halaga ng cocaine at shabu ang nasabat ng mga otoridad sa dalawang bigtime pusher sa Filinvest Road Alabang, Muntinlupa.

Nasa 23 sachet ng cocaine, limang sachet ng shabu at limang libong pisong buy-bust money ang nakuha sa suspect na sina Gecena Nuñez alyas Madam Bebe at Andrew Nolasco.

Sinabi ni S/Supt. Dante Novicio, hepe ng Muntinlupa City Police, aabot sa isang milyung piso ang halaga ng nasabat na droga.


Aminado naman si Madam Bebe na dati siyang nagbebenta ng droga, pero wala anya siyang kinalaman sa naging transaksyon.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang dalawang suspek.

Facebook Comments