Handa na ang Philippine National Police (PNP) sakaling luwagan na ang quarantine status ng Metro Manila.
Kung saan mula sa General Community Quarantine (GCQ) ay gawin na itong Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan, nakalatag ang kanilang plano sakaling dumagsa ang mga tao sa National Capital Region (NCR).
Mahigpit ang utos niya sa mga local police commander na inspeksyuning mabuti ang mga sasakyan na tatawid mula sa ibang lalawigan upang matukoy kung overloaded ba ito o hindi.
Tuloy-tuloy rin aniya ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) para ipatupad pa rin ang health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, at social distancing.
Matatandaang hanggang September 30, 2020 lang inilagay sa GCQ ang NCR at inaasahang I-aanunsyo ang bagong quarantine status sa NCR sa mga susunod na araw.