Humarap muli sa publiko sa ikatlong pagkakataon sa kanyang kasalukuyang termino si Dagupan City Mayor Belen Fernandez para sa kanyang State of the City Address o SOCA, kahapon.
Sa kanyang SOCA, ibinida ni Fernandez ang mga naisakatuparan sa kanyang administrasyon ukol sa ekonomiya ng lungsod, mga nagpapatuloy na konstruksyon at natapos na imprastraktura, sektor ng edukasyon, sektor pangkalusugan, kahandaan, kaligtasan, kaayusan at katarungan, problema sa basura, maging ng industriya ng bangus.
Inilahad din ng alkalde ang mga plano nito para sa pagpapaunlad pa ng lungsod upang makamit ang pagiging first class city sa susunod na tatlong taon.
Ilang Dagupeño naman ang nagpakita ng kanilang suporta kahapon sa mga adhikain pa nito sa lungsod at maisulong pa ang mga programang magpapaunlad hindi lamang sa lungsod maging sa mga residente nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









