Nagpapaalala ang Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office sa mga Dagupeños kaugnay sa patuloy na nararanasang mainit na panahon sa lungsod.
Sa mga nakalipas na tala ng PAGASA Dagupan, naglalaro kadalasan sa 40°C hanggang 45°C ang heat index forecast at aktwal na heat index sa lungsod, na pasok sa Extreme Caution at Danger Level, kung saan posible ang ilang mga heat-related illnesses tulad ng heat exhaustion, heat cramps o heat stroke.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay CDRRMO Head Ronaldo De Guzman, ibinahagi nito ang ilang mga hakbangin upang maibsan ang init na nararamdaman ng mga Dagupeños.
Kahapon, pumalo sa 45°C ang heat index forecast ng weather bureau.
Samantala, ayon sa kanya, wala pa umanong naitatalang anumang heat-related incidents sa lungsod sa kabila ng lagay ng panahon sa Dagupan City.
Nagdeklara naman ang LGU ng suspensyon ng face-to-face classes ngayong araw sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨