
Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan ang konsultasyon sa ikalawang batch ng mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan upang talakayin ang kanilang accomplishment reports at plano para sa 2026.
Kasama sa mga tinalakay na programa ang City Assessor’s Office, Women’s Center, Teen Center, Human Resource Management Office, Civil Registry, DALAGA, PESO, at City Library, na nakatuon sa pagpapalawak ng serbisyo at oportunidad para sa lahat ng Dagupeño.
Pangunahin ngayong taon ang mental health programs, personality development, financial literacy, self-defense training, at job creation, pati na rin ang mas episyenteng access sa libreng serbisyo para sa kabataan, PWDs, solo parents, at LGBT community.
Tiniyak ng lungsod ang patuloy na koordinasyon ng lahat ng tanggapan upang maisakatuparan ang mga programang magpapalakas sa kaunlaran at oportunidad ngayong 2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







